Biyernes, Marso 24, 2017

Suring Basa sa tulang Damdamin (Titig ng Mata Mo'y) ni Inigo Ed Regalado

       "Sana Maibigan Mo"         


Resulta ng larawan para sa inigo ed regalado

Titig ng Mata Mo’y
By Inigo Ed Regalado

Titig ng mata mo’y nagiwan sa akin
Ng isang halinang hindi ko maligning
Tumagos sa puso’t nagging binhi mandin
Ng isang hindi ko makayang lipirin.
                                                                                      
Binhing ito’y waring inaalagan
Ng puso ko na ring pinag-uugatan,
Pati na sa hangin ay ayaw pahipan,
Dinidilig kahit sariwa ang lagay.

Kung ang binhing iya’y binhi ng pagibig
Pagtitiisan ko ang lahat ng sakit
Huwag lng masabing binawi ang tinig
Ng mga mata among sa puso’y naghisik.

Tinig ng mata mo’y ligaya kong tunay
Huwag babawii’t aking kamatayan.
Binhing nasa puso’y isang kayamanang,
Buhay ng buhay ko magpakailan man.
Pagsusuri ng tula:

Ang babasahin ito ay hindi sikat sa hinarasyon ngayon sapagkat ito ay parang binaon na sa limot at hindi muling nakita sa mga aklat sa filipinong panitikan, ngunit ngayon ay susuriin ko ang tulang ginawa ni Inigo Ed. Regalado ay ngayon ilalahad ko ang iba't-ibang kahulugan ng bawat saknong sa tula. Ang tulang ito na ginawa ni Inigo Ed Regalado ay isa sa mga parte ng damdamin na isa sa dalawang koleksyon ng tula na ginawa ni Ingigo ed regalado.

         Pero sino ba si Inigo Ed Regalado ? Si Inigo Ed. Reyes regalado ay isang makata at mandudula at ito ay nagtamo ng karangalan na bilang isa sa mga natataning magagaling  na manunulay noong ika-20 na siglo. Si Inigo Ed. Reyes Refalado ay pinanganak siya noong 19 Marso 1888 sa Sampaloc, Maynila at anak nina Inigo Regalado y Corcuera at Saturnina Reyes.

          Nag-aral si Ed. Regalado sa Escuela Muncipal de Sampaloc, at nakuha niya ang kanyang per ito mercantil sa Colegio Filipino, ang Batsilyer sa Sining sa Liceo de Manila, at ang kanyang bachiller en leyes sa La Jurisprudencia. Pumasok rin siya sa Unibersidad ng Pilipinas (Fine Arts), kung saan naging guro niya si Fabian de la Rosa sa pagpipinta, at naging kaklase niya naman sina Fernando Amorsolo at Guillermo Tolentino.

           Ang babasahing ito ay patula na nagpapahayag ng kaisipan at ito'y sinusulat na patula. Ito rin ay uri ng taludtod na Tradisyunal na may isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan, may uri ito ng tulang pasalaysay na tinatawag na Awit  na nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng malalim na kaisipan, pro sa tulang ito na ginawa niya ay simple na pananalita at mahusay na pagsunod-sunod ng mga hanay ng mga salita at masidhing pagmamahal sa isang babae sa buhay nya at mapili sa mga salitang bilang paglalarawan ng mga tauhan at natural na salitaan,

Pero ano ba ang pinapahiwatig ng tulang ginawa nya ? Sa bawat taludtud at saknong na sinulat niya ano ba ang ibig sabihin.

        Para sa akin ang unang saknong ay may lalabing dalawahing pantig at may tugma, at sa unang saknong ay nagpapahiwatig  na umibig ang lalaki sa isang babae na hindi talaga mawala sa kanyang isipan at paulit-ulit niya itong naalala na parang nakabaon sa kanyang puso ang pagibig niya sa babae.
    Sa pangalawa ay may lalabing dalawahing pantig at may tugma, at sa pangalawang saknong namang ay papakita ng isang masidhing pagmamahal sa babae na ayaw  na itong pakawalan na para bang kinukopkop na ito sa kanyang damdamin at isipan na ayaw na itong bitawan at pati ang kapalaran ay ayaw niyang makialam sa kanyang marubdub na pagmamahal sa babae.

          Sa pangatlong saknong ay may labingdalawahing patnig at may tugma at sa ika tatlong saknong ay nagpapakita ang dalawang nagiibigan ay parang ang pagitan ng langit at lupa, na dapat pagtiisan na abutin para hindi mawala sa yung piling, parang Bula, alam mo na nandyan nga pro kung ito’y pumutok ay wala na sa piling mo. At sa isang pag-ibig kahit dapat pati lupa, lahat tatawirin, gubat man o bukid, tiyak tatahakin, lindil man o bagyo, lahat hahamakin para lamang sa babae iniibig mong tunay.

          Sa pang-apat ay may lalabing dalawahing pantig at may tugma, at sukat. Sa panghuling saknong ay parang paglalayag sa dagat na dapat kang mawala sa paruruonan mo at  huwag ka sanang malihis ng destinasyon kasi kung ikaw man ay mawala sa paruruonan mo ay parang wala kanang magagawa kundi ang tangapin ang iyung pagkabigo sa iyong lugar na gusto mo puntahan. Kaya sa pag-ibig ‘wag nating sayangin ang panahon na kasama natin ang minamahal at pagmamahalan ay ating payabungin, respeto’t katapatan, dapat linagngin kasi madaming taon pa ang gugugulin bago mo mahanap ang iyong natatakda.

“Minsan sap unto ng ating mga buhay ay may isang taong nagbibigay kulay, ang taong magmamahal sa’yo ng tunay at taong papawi ng ‘yong pagkalumbay.”

-louie Renz A. Sucaldito

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Suring Basa sa tulang Damdamin (Titig ng Mata Mo'y) ni Inigo Ed Regalado

       "Sana Maibigan Mo"            Titig ng Mata Mo’y By Inigo Ed Regalado Titig ng mata mo’y nagiwan sa akin ...